Romance Quote

Romance Quotes > Love Stories > Short Love Stories

 

Tagalog Love Stories
Bitter Love Part 2

More On Bitter Love Part 1 | Part 2

 

Dumating na ang bakasyon. April 13, first monthsary namin pero 14 namin sinelebrate. Sinamahan ko siya ma-enroll sa Carmona kasi bagsak siya sa Math pero hindi ko siya kinahihiya, proud pa rin ako sa kanya. Dumating din siya sa birthday ko. Wala man siyang gift, ayos lang, naging masaya naman ako kasi nandyan siya. Everytime na pumunta siya sa bahay, we always watch DVD. Na Curious na sila Papa kung ano ko bad aw siya. Eh di inamin ko na ung totoo. Hindi sila nagalit kaya we’re legally on from then on. Luwag sa pakiramdam

(More Related : Short love story)

Nag fourth year na kami. Lagi kaming sabay sa lunch sa bench. Alam din ng teachers na kami kaya no worries at all. Im inspired in studying because of him. Nagkamali na ko kasi minahal ko na siya ng sobra. Hindi ko na siya kayang pakawalan.

The Bitterness and Goodbyes. . .

Jealous came, ang pinaka-ayokong maramdaman. Nanibago na rin ako sa kanya. Lagi na siyang nagmamadali. Pag lunch, gusto na niya agad umakyat sa room. Pag uwian, kasama niya lagi ang barkada niya. We always end up on fighting each day. Tapos lagi na rin akong umiiyak.

Ang sakit sobra, naramdaman ko nang malapit na matapos ang lahat. Hindi na siya gaanong masaya. Ako naman, lagi kong pinipilit pasiyahin siya. First heartache. I hate it so much at parang ayoko na magbukas. Pero pag sinabi niya break na kami, hindi din niya matiis. Tatawag din siya at magsosori. Ang hirap, it feels like na I’m under him but I control him. Takot akong mawala siya kaya I set on maraming bawal kaya nasakal siya.

October 13, 2009, last monthsary namin. Sinurprise niya ako. I’m happy. Pero akala ko pupunta uli siya sa bahay. Lagi na lang niyang reason, busy siya. Kinabukasan pa naman noon ay nasa Nagcarlan na kami for three days para sa Journalism. I tested him what if I don’t text him, will he be faithful and misses me? Tama ang hinala ko, wala na ako sa kanya, kahit mahal pa niya ako at sobrang mahal ko siya.

(More Related : Forbidden love stories)

October 16, 2009, Sports teen, pauwi na rin kami, natatakot akong pumunta sa school. I thought sasalubungin niya ako at matutuwa siya. I bought him a crucified necklace. Ibibigay ko yun sa kanya kapag wala siyang ginawang mali. Pero nung nagkita na kami, nasaktan ako nung sinabi niyang “uuwi na ako”. I decided to stay for minutes pero nung nasa tricycle na ako, nandun pa pala siya sa labas. Night came, masaya ang usapan namin pero hindi ko aakalaing hahantong na pala sa break-up. Kinabukasan, tinotoo na niya. Wala akong magawa, pumunta ako sa bahay ng classmate ko at dun ako umiyak ng sobra. Ilang araw din ako iyak ng iyak sa tindahan nila Ate Janeth.

Wala na talagang chance kasi nasaktan na ako, lalo kung naging kami uli for one day to see if there still a chance at nalaman ko at the end of the week, may bago na siya. Naisip ko na hindi niya pinahalagahan yung seven months na yun because we move on that easy.

Ayoko na siyang makita at pansinin. Mahal ko pa din siya. Nakakapraning, almost a month, iyak ako ng iyak kada gabi.

Minsan, tumatawag siya para kamustahin ako. Binati niya rin ako nung pasko. Hindi ko alam kong paano mawawala yung sakit lalo na yung pinalit siya sa akin kagagaling lang din ako sa break-up. Ex-girlfriend siya ng bestfriend ko. One week ater our break-up, nagbreak na rin sila nung bestfriend ko.

“You can move on if you let yourself fall to another person” – Jaycel

Hindi ko hinayaang mahulog sa iba para makapagmove-on. Binalik ko lang kung ano yung dati kong ginagawa nung wala pa siya. Nakamove-on ako dahil sa kaibigan ko. Pero hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. I miss him so much. Binalik ko sa kanya lahat ng binigay niya sa akin para kahit papaano mawala ang galit ko sa kanya. I never say goodbye but he does.

Ngayon, umiikot pa rin ang mundo ko sa kanya pero hindi na katulad ng dati. Hindi na ko napapaiyak ng isang kanta o mga bagay na nakikita kong nagpapaalala sa kanya. Hindi pa tapos ang istorya ko kasama siya kahit hiwalay na kami.

Dito ko na-experience ang true love.

Ending. . .

Maraming natatawa sa akin kasi lalaki nga lang naman pero iniiyakan ko. Bakit ba daw ako nagpapakatanga sa kanya? Wala naman silang alam eh. Basta pinaglaban ko siya. Ganun pala ang true love, mararamdaman mong masasaktan ka pala kung tunay mong mahal yung isang tao. Loving too much will lead you to loneliness.

By April

More On Bitter Love Part 1 | Part 2

 

Tell your friends and family about this page!

 

Other Love Stories
- My love story
- My first love story
- Our love story
- Hot love story
- Hot short stories

Facebook us!